^

Metro

Chief of staff ng Solon, todas sa ambush

- Danilo Garcia -

Nasawi ang „chief of staff ni Compostela Valley Rep. Manuel “Way Kurat” Zamora matapos na tam­ba­ngan ng mga hindi naki­lalang arma­dong suspek kaha­pon ng umaga sa Kamu­ning, Que­zon City.

Nasawi dakong alas-9:45 ng umaga sa loob ng Delgado Hospital ang bik­timang si Robert Delano matapos magtamo ng tama ng bala sa kanyang baba, ayon kay Dr. Bonnie Chua.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police Dis­trict-Station 10 (Kamu­ning), pasado alas-8 ng umaga nang maganap ang pananambang sa tapat ng bahay ng biktima sa K-3rd Street, Brgy. Kamu­ning, ng naturang lungsod.

Nabatid na kasasakay lamang ni Delano sa ser­vice niyang Toyota For­tuner na may plakang 8 nang lumapit ang tatlong suspek at paputukan ito ng malapitan. 

Kaswal naman na nag­lakad patungo sa E. Rod­riguez Avenue ang mga suspek at nagawang ma­katakas sakay ng hindi pa mabatid na sasakyan.

Sinabi ni QCPD Sta­tion 10 commander, Supt. Aspirino Cabula na da­lawa sa mga suspek ang naka­suot ng puting t-shirt ha­bang ang isa ay na­kaitim na damit at may itim na bag. Mabilis namang ru­mes­ponde ang mga ta­uhan ng Special Weapons and Tac­tics Unit kung saan nare­kober ang mga bala ng ka­libre .45 na pabo­ritong gamit ng mga ba­yarang hitman.

Nabatid naman na re­gular na sinusundo ni De­lano si Zamora sa kan­yang bahay patungo sa Batasan complex tuwing umaga.

Blangko naman ang mga otoridad sa motibo ng naturang pamamaslang. Kasalukuyang kinuku­nan ng pahayag ang kanyang pa­milya at mga kasama­han sa trabaho upang ma­kakuha ng lead sa imbes­tigasyon.

vuukle comment

ASPIRINO CABULA

COMPOSTELA VALLEY REP

DELGADO HOSPITAL

DR. BONNIE CHUA

KAMU

NABATID

NASAWI

QUEZON CITY POLICE DIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with