^

Metro

Tanod dedo sa adik

-

Patay ang isang baranggay tanod, habang kritikal naman ang kasamahan ng una nang mapagtripan ang mga ito na ataduhin ng saksak ng umano’y adik, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. 

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan sanhi ng mga saksak sa tiyan at balikat ang biktimang si Ernesto Olleres, 54, habang kritikal din ang kasamahan nito na si Eulogio Patubo, 56, kapwa residente ng Barrio Libis, nabanggit na lungsod. 

Kasaluku­yan namang pinaghahanap pa ng pulisya ang suspect na si Jovy Gallo, kapitbahay ng mga biktima. 

Batay sa ulat ng pulisya, naga­nap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi habang nagpa­patrulya ang mga biktima sa nabanggit na lugar at makasalubong ng mga ito ang suspect na noon ay lango umano sa ipinagbabawal na gamot.

Sa hindi umano malamang dahilan ay bigla na lamang dina­lu­hong ng saksak ng suspect ang mga biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BARRIO LIBIS

BATAY

CALOOCAN CITY

ERNESTO OLLERES

EULOGIO PATUBO

JOVY GALLO

KASALUKU

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with