^

Metro

2 miyembro ng street gang, itinumba

-

Kapwa patay ang da­lawang miyembro ng isang “street gang”, habang kritikal naman ang tatlo pang ka­samahan ng mga ito nang pagbabarilin   ng isang arma­dong lalaki, kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Oscar Madrazo II, 27 at Eduardo Jose Cordero, 27, kapwa residente ng Sandejas St., ng nabanggit ring lungsod sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa kanilang katawan.

Samantala, ang iba pang su­gatan ay nakilalang sina Alexander Fernando, 45; Libe­rato Bungay, 46, at Abelardo Cruz, 53.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Allan Valdez, ang insi­dente ay naganap dakong alas-8:45 ng gabi habang ang mga biktima ay nag-iinuman sa loob ng Madrazo Compound, Pasay City.

Nabatid na sa gitna ng ka­tuwaan at pag-iinuman ng mga biktima nang sumulpot ang suspect na armado ng baril at walang habas na pinagbabaril ang mga biktima.

Matapos ang isinagawang pamamaril ay mabilis na tu­makas ang suspect habang iniwang nakahandusay ang mga biktima.

Lumalabas naman sa re­kord ng pulisya na hinihinalang dating kaalitan ni Madrazo II ang suspect batay na rin sa natuklasang warrant of arrest na inilabas ni Regional Trial Court (RTC ) Judge Tingaraan Builing noong nakaraang Marso 27, 2006 kaugnay sa kasong less physical injuries na kapwa na kinasasangkuran ng una at huli. Dahil dito, ipinala­lagay ng pulisya na isa sa nag-demanda kay Madrazo ang bumaril sa mga biktima.

Narekober naman ng mga crime scene investigators sa mismong pinangyarihan ng insidente ang pitong basyo ng .9mm na baril.

Patuloy namang nagsasa­gawa ng masusing imbesti­gasyon ang pulisya para sa ikalulutas ng nasabing krimen at sa ikadarakip ng suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

ABELARDO CRUZ

ALEXANDER FERNANDO

ALLAN VALDEZ

EDUARDO JOSE CORDERO

JUDGE TINGARAAN BUILING

MADRAZO

MADRAZO COMPOUND

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with