^

Metro

Batang Japino balik-Japan na

-

Tuluyan nang nakapiling ng isang walong taong gulang na batang Hapones ang kanyang ama mula sa Japan matapos na kupkupin ng Manila Department of Social Welfare noong nakaraang taon.

Oktubre 2 nang personal na makita ni Hikaru Ito ang kan­yang ama na si Hajime sa Foundling Home, isa sa mga institusyon ng Boys Town sa Marikina City matapos ang mahabang panahon ng paghahanap dito sa Pilipinas. Mismong si Hajime ang sumundo kay Hikaru.

Ayon sa pahayag ni MDSW chief Jay dela Fuente, Mayo 4, 2007 nang una nilang sagipin si Hikaru sa Quiapo. Nakita nila itong pagala-gala hanggang sa kunin ng kanyang ina na si Melinda Ito.

Pebrero 8, 2008 nang makipag-ugnayan ang Manila City Hall sa Japanese Embassy upang kumpirmahin ang pagkatao ng bata. Naging mabilis naman ang tugon ng embahada ng Japan kung kaya nakumpirma ang pagkatao nito. (Doris Franche)

BOYS TOWN

DORIS FRANCHE

FOUNDLING HOME

HAJIME

HIKARU

HIKARU ITO

JAPANESE EMBASSY

MANILA CITY HALL

MANILA DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with