^

Metro

Nakasuot ng uniporme ng pulis at militar: Pabrika ng pintura sinalakay ng 20 armado

-

Muli na namang sumalakay ang isang grupo ng mga armadong kalalakihan na binubuo ng may 20 na pawang nakasuot ng uniporme ng pulis at sundalo sa isang factory ng pintura sa Pasig City.

Kaugnay nito isang manhunt operation ang inilunsad ng mga awtoridad laban sa mga suspect.Kinilala ng pulisya base sa photo gallery na itinuro ng isa sa witness ang isa sa suspek na si Alvin Flores, lider ng grupo.

Ayon sa pulisya, dakong alas-3:45 ng hapon ng pasukin ng grupo ang Welbert Manufacturing Inc. na mata­tagpuan sa E. Rodriguez, Bgy. Santolan, Pasig.

Nabatid na nagpakilala ang mga suspek sa guwar­diya na si Prudencio Gallardo na mga pulis at magsasa­gawa lamang ng inspeksyon. At dahil pawang mga naka-uniporme ng pulis at armado ng M203 Riffle Grenade at M16 Armalite rifle ay pinapasok ang mga suspek ng guwardiya subalit laking gulat ng huli nang agad siyang disarmahan ng mga ito. Pinadapa ng mga suspek ang lahat ng emple­yado ng pabrika kabilang ang limang guwar­diya na nagu­lantang sa pangyayari.

Agad na tinungo ng mga suspek ang tanggapan ng plant manager na kung saan nanduon ang steel vault na kanilang sapilitang binuksan at tinangay ang laman nito. Tumakas ang mga suspek patungong Cainta sakay ng dalawang sasakyan, isang white van may plakang ZLE 106 at isang kulay asul na van na may red plate number ZFV-905. (Edwin Balasa)

ALVIN FLORES

ARMALITE

AYON

BGY

EDWIN BALASA

PASIG CITY

PRUDENCIO GALLARDO

RIFFLE GRENADE

WELBERT MANUFACTURING INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with