^

Metro

Salisi sa ospital, tiklo

-

Isang 41-anyos na bebot na pinaniniwa­la­ang miyembro ng “Salisi gang” ang ipina­dakip ng dalawang out-patient ng PGH ma­tapos silang maku­hanan ng cash, cellphone at alahas sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Inaresto ng security guard ng PGH ang suspect na si Marites Reyes, ng Soledad St., Kawit, Cavite at tuluyang ipinagharap ng pormal na reklamo sa MPD-Station 5 ng mga biktimang si Anna Marie Largada, 23; at Lenita Cuero, 40.

Sa imbestigasyon, dakong alas-9 ng umaga nang maganap ang insidente sa OPD department ng pagamutan.

Sa salaysay ni Largada, namukhaan niya ang suspect nang muli niya itong makita habang binibiktima sa loob ng comfort room si Cuero, na tulad din ng kanyang sinapit noong nakalipas na Setyembre 26, 2008, kung saan natangayan siya ng P5,000 cash, alahas at cellphone, bandang alas-9 ng umaga.

Modus operandi ni Reyes na kaibiganin ang mga nagpapa-check-up na pasyente at kung palagay na ang loob ay yayain na samahan siyang magpunta sa CR. Habang nasa loob ng CR ang bibiktimahin ay gagawa ng paraan ang suspect na iwan sa kanya ang mga gamit at sasaman­talahin ang pagkakataon upang tangayin ito.

Aminado naman ang security guard na si Rico Mates na maraming salisi sa PGH, batay sa rekord na hawak nila. ( Ludy Bermudo)

AMINADO

ANNA MARIE LARGADA

CAVITE

CUERO

ERMITA

LENITA CUERO

LUDY BERMUDO

MARITES REYES

RICO MATES

SOLEDAD ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with