^

Metro

Bodega sa QC sinalakay: Imported, expired na gatas nasamsam

-

Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Department of Health (DOH), Presidential Anti- Smuggling Group (PASG) at Bureau of Food and Drugs (BFAD) ang isang bodega kung saan nadiskubre ang mga im­ported at expired na gatas na hinihinalang may sangkap na melamine kahapon sa Balinta­wak, Quezon City.

Dakong alas-2 ng hapon nang lusubin ng mga awto­ridad ang bodega ng Bestyield Mar­keting sa Quirino Highway, Brgy. Balong Bato, Balintawak na pag-aari nina Edgardo To­gano at Erwin Castillo. Kinum­piska dito ang saku-sakong gatas na buhat pa sa Australia, New Zealand at Canada.

Gamit umano ng Bestyield ang ibang pangalan na “Glue­wide” bilang kompanya ngunit na­batid na wala itong permit para mag-import ng mga gatas.

Ayon sa mga residente, ma­tagal na umanong nag-oope­rate ang nasabing bodega at dito na rin nire-repack ng mga empleyado bago ideliber sa mga malls sa bansa.

Kasalukuyang sinusuri ng DOH ang nasabing mga im­ported at expired ng mga gatas upang mabatid kung nagta­taglay ito ng nakakalason na sangkap na melamine. (Danilo Garcia)

BALONG BATO

BESTYIELD MAR

DANILO GARCIA

EDGARDO TO

ERWIN CASTILLO

NEW ZEALAND

PRESIDENTIAL ANTI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with