^

Metro

29 na money changer, ginyera ni Lim

- Doris Franche-Borja -

Matapos ang spray paint campaign laban sa mga pi­nag­­hihinalaang mga drug pushers, 29 na money changer naman ang ipinasara ni Manila Mayor Alfredo Lim sa pama­magitan din ng spray paint matapos na madiskubre na walang permit to operate ang mga ito.

Kanyang nilibot sa May­nila ang kahabaan ng M.H. del Pilar, Padre Faura at Ma­bini sa Malate upang matiyak na sarado na ang mga establi­simyento na lumalabag sa re­gulasyon ng city government.

Ayon kay Lim, ang kan­yang aksiyon ay bunga na rin ng mga reklamong nata­tanggap niya mula sa mga turista at mga overseas Fili­pino workers (OFWs) na niloloko ng mga fly-by-night money changers.

Kadalasan umanong mo­dus operandi ng mga money changer ay bawasan ang ka­tumbas ng foreign money na papalitan ng isang turista at OFWs. Aniya, ang bawat dol­yar na pinapapalitan ng mga OFWs ay pinaghirapan sa ka­nilang pagtatrabaho sa ibang bansa kung kaya’t hindi dapat na dayain ng mismong mga Filipino.

“Pag binilang sa harapan mo ’yung pera, tama ang amount. Pero pag-uwi mo at binilang mo ulit, siguradong kulang na ’yun,” ani Lim.

Nilinaw ni Lim na walang money changer ang pinapa­yagan na mag-operate nang walang kaukulang papeles mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Dahil dito, pinaaalalaha­nan din ni Lim ang publiko na maging alerto at vigilante laban sa anumang pandaraya at pang-aabuso ng mga money changer at sa halip ay agad itong ireport sa himpilan ng pulisya.

ANIYA

AYON

BANGKO SENTRAL

DAHIL

KADALASAN

MANILA MAYOR ALFREDO

PADRE FAURA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with