^

Metro

'Gapos gang' sumalakay

-

Muli na namang sumalakay ang kilabot na grupo ng “Gapos Gang” nang pasukin ng mga ito ang bahay ng isang negos­yante at tangayin ang malaking halaga ng salapi, mga alahas pati na ang mahahalagang kagamitan na tinatayang aabot sa kabu­uang halaga na P1.5 milyon, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Ang biktima ay ang negosyanteng si Demetrio Navarro, 49, ng San Isidro Valley 6, Brgy. San Isidro ng nabanggit na lungsod. Nabatid na maging ang mga naka-stock umano na mga pagkain sa loob ng refrigerator at mga de-lata ng pamilya ay tinangay din ng mga suspect bago tumakas sakay ng isang puting kotse (box-type) na walang kaukulang plaka.

Ayon sa ulat, dakong alas-10 ng gabi nang kumatok sa bahay ng pamilya ang isa sa mga suspect na unang nag­pang­gap na kausap umano sa negosyo ni Navarro na agad namang pinagbuksan ng anak ng huli. Nang mabuksan na ang gate, agad na nagsipasok ang mga armadong suspect kung saan unang tinutukan ng mga ito ng matataas na kalibre ng baril si Demetrio at mga anak na noon ay nasa sala ng bahay.

Agad umanong iginapos ng mga suspect ang mag-aama bago umakyat sa ikalawang palapag saka iginapos din at ikinulong sa isang silid ang misis ni Demetrio na si Maria Lina, 47, dalagang anak na si Annalyn, 26, manugang na si Christian Jay, 22, pati misis ng huli na si Annalyn. Kasunod nito ay hina­­lughog ng mga suspect ang lahat ng drawer sa masters’ bedroom at silid-tulugan ng magkakapatid hanggang isa-isang hinakot ang mga nakulimbat sa dala nilang kotse bago nagsi­takas.

Nang matiyak naman ng mga biktima na wala na ang mga suspect, gumapang ang mag-aama palabas ng bahay bago nagsisigaw at humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Base naman sa salaysay ni Demetrio sa pulisya, ang mga suspect ay pawang nasa edad na 30-40 anyos, pawang mga naka­suot ng sombrero at jacket na maong. Kasalukuyan namang nagsa­sagawa ng masusing imbes­ti­gasyon ang pulisya upang alamin ang pagkakakilanlan ng mga suspect para sa agarang ikadarakip ng mga ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ANNALYN

CHRISTIAN JAY

DEMETRIO

DEMETRIO NAVARRO

GAPOS GANG

MARIA LINA

NANG

SHY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with