^

Metro

Illegal recruiter timbog ng NBI

-

Isang illegal recruiter na itinu­turo sa panloloko ng daang-libo sa mga nais magtrabaho sa ibayong dagat ang dinakip sa isang entrapment operation   ng NBI, kahapon.

Kinilala ang nadakip na sus­pect na si Myrna Vasquez Bu­lan­day, ng Catleya St., Pag-asa, Quezon City.

Ayon kay Anti-Graft Division (AGD) head, Atty. Alan Contado na noong Abril, 2008, pina­nga­kuan ni Bulanday ang isang Amalia Q. Aldonza at 5 iba pa na makapagtatrabaho sa Ca­nada bilang yaya, caregiver, cook at kitchen helper sa swel­dong 900 Canadian dollars. Na­kakuha na umano ang suspect ng halagang P320,000 mula sa mga biktima.

Dahil sa napakong pa­ngako, nag-imbestiga ang mga bik­tima at natuklasan sa Phi­lippine Overseas Employment Administration (POEA) na hindi lisensiyado upang mag-recruit si Bulanday kaya hiniling nilang isoli nito ang kanilang pera.

Dahil sa hindi na naibalik ng suspect ang pera ng mga bik­tima kaya dumulog na ang grupo ng huli sa NBI noong Set. 16, at nang muling mang­ hingi umano ang suspect ng karag­dagang P10,000 ay ini­latag na ang entrapment ope­ration laban dito.

Makalipas ang 6 na araw, nakumbinse ang suspect na makipagkita sa isang fastfood sa Padre Faura, Manila. Habang hawak ang marked money na ibinigay ng mga bik­tima ay nilapitan na siya ng mga NBI agents at inaresto at ipinag­harap ng kasong pag­labag sa RA 8042 o Migrant Workers Act and Overseas Fili­pino Act at Article 315. (Ludy Bermudo)

ALAN CONTADO

AMALIA Q

ANTI-GRAFT DIVISION

BULANDAY

CATLEYA ST.

DAHIL

LUDY BERMUDO

MIGRANT WORKERS ACT AND OVERSEAS FILI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with