^

Metro

Muntinlupa desk officer sinampolan ni Gen. Verzosa

-

Sinampulan kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Deputy Director General Jesus Verzosa ang isang desk officer ng Mun­tin­lupa City Police na ipinasibak sa puwesto ka­ugnay ng pagpapahintulot na magsakitan ang biktima at isang inarestong pinaghi­hinalaang snatcher sa loob ng presinto.

Ipinag-utos ni Verzosa kay NCRPO chief Director Jefferson Soriano ang pagsibak sa puwesto kay SPO2 Efraim Reyes, desk officer ng Muntinlupa City Police Station.

Ang hakbang ay alinsunod sa pagbabawal ni Verzosa na huwag hayaang magkasakitan sa kom­prontasyon ang biktima at ang suspect habang iniimbestigahan ang mga ito sa presinto.

Binigyang-diin ni Verzosa na ibig niyang ipa­tupad sa ilalim ng kanyang panunungkulan ang mahigpit na paggalang sa karapatang pan­tao ng bawat indibidwal kabilang ang mga ina­arestong suspect na hindi pa naman napapa­tunayang guilty sa kaso.

Nabatid na napanood ni Verzosa sa video footage na nakunan ng isang tv network ang pana­­napak ng biktima laban sa isang inares­tong snatcher na nangyari noong nakalipas na linggo o isang araw matapos na iluklok ang bagong PNP Chief.

Samantalang nauna na ring ipinag-utos ni Verzosa sa unang press briefing nito bilang PNP Chief noong Sabado ( Setyembre 27) ang pag­babawal sa pagpiprisinta sa suspect na ala-‘firing squad style’ kung saan maaari lamang gamitin ng mediamen ang mga footage at lara­wan na naku­nan ng pulisya sa kanilang ope­ras­yon.

Si Reyes ay ipinasibak ni Verzosa da­hilan hinayaan nito na sapakin ng biktima ang isang pinaghi­hinalaang snatcher sa kanilang kompron­tasyon sa loob ng istasyon ng pulisya sa kabila ng ini­anunsyo na ng PNP Chief ang naturang direktiba. (Joy Cantos)

CHIEF DEPUTY DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CITY POLICE

DIRECTOR JEFFERSON SORIANO

EFRAIM REYES

JOY CANTOS

MUNTINLUPA CITY POLICE STATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

SI REYES

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with