Jobless na ama, nagbigti

Nagbigti ang isang 53-anyos na ama dahil umano sa matinding sama ng loob   sa kanyang asawa’t mga anak dahil sa panunumbat ng mga ito na wala siyang trabaho, sa Tondo, Maynila ka­makalawa ng gabi.   Na­kilala ang nasawi na si Luis Bautista, ng Model Com­­munity, Chessa St., Tondo.

Ayon sa ulat, dakong alas-6 ng gabi nang ma­tuk­lasan ang pagbibigti ng biktima gamit ang isang lubid sa bisagra ng pintuan ng kanilang bahay. Nauna rito, Biyer­nes ng umaga ay nagtalo umano ang biktima at mga anak nito, dahilan upang pagbu­hatan uma­ no ng kamay ng nasawi ang asa­wang si Angelina Bautista.

Naging dahilan ito kaya hindi na siya kinikibo nito. Gayunman, dakong alas-10 ng umaga nang huling makitang buhay ang bik­tima na nagkulong na la­mang sa kanyang kuwarto.

Hinala ni Angelina na masyadong nasaktan ang kanyang asawa matapos silang mag-away-away. Dagdag pa rito na naging problemado at nalulong na sa alak ang mister simula nang nawalan ito ng tra­baho at tanging mga anak niya ang naghahanap buhay. (Ludy Bermudo)

Show comments