Pinaniniwalaang bunga ng dinadalang problema sa pagkakautang sa kanilang lalawigan kaya naisipang magbigti ang isang 22 anyos na binata na ikinasawi nito. sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.
Hindi na umabot ng buhay sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Mark Daniel Dungca, pansamantalang nanunuluyan sa #1441 Sevilla Extn., Tondo.
Dakong alas-11:00 ng umaga nang madiskubre ni Charlie Rivera, tiyuhin ni Dungca, na nakabitin ito sa berdeng nylon cord sa loob ng kaniyang bahay.
Kararating pa lamang ng biktima mula sa Baliuag, Bulacan at naikuwento nito na sinisingil siya ng mga pinagkautangan sa kanyang probinsiya kaya siya lumuwas ng Maynila. (Ludy Bermudo)