Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang isang 35 anyos na yaya na si Melanie Rodriguez ng Don Bosco, Tondo, Manila matapos ireklamo ng pagnanakaw sa P1 milyong halaga ng mga alahas ng kanyang amo sa Barangay Concepcion, Malabon City kamakalawa.
Sinasabi ng biktimang si Maribeth Suzuki na, nang umuwi siya sa kanyang bahay bandang alas-4:30 ng hapon, nadatnan niyang nag-iisa ang kanyang anak at walang nag-aalaga.
Natuklasan ni Suzuki kinalaunan na nawawala na ang kanyang mga alahas sa lalagyan nito at nawawala na rin si Rodriguez na yaya ng kanyang anak. (Lordeth Bonilla)