5 dedo sa barilan sa Malabon

Lima katao kabilang ang tatlong suspek na pinaniniwalaang mga hired killer ang nasawi at sugatan naman ang dalawang katao sa isang barilan kamaka­ lawa sa Malabon City. 

Kinilala ang mga bik­timang sina Enrique Villa­gracia, 58, ng Da­gatan, Navotas City; at Pa­quito Llanera, 57, isang kristo sa sa­bungan.

Tatlo sa apat na sus­pek ay kinilala lamang sa kanilang mga pa­ngalan na alyas Greg; alyas Toto, at alyas Paking. Napatay sila sa pakikipagbarilan sa mga pulis.

Arestado ang isa pang suspek na si Er­nesto Emua “alyas Badjao”, 28, ng Brgy. Tinajeros, Malabon City.

Naglalakad   si Villa­gracia patungo sa naka­parada nitong kotse nang bigla itong hina­rang at pinagbabaril ng mga suspek sa Diwa St., Brgy. Tugatog ng naturang lunsod.

Dito rumesponde ang mga kagawad ng Police Community Pre­cinct 4 ng Malabon City Police sa pangunguna ni Sumag­pang hang­gang at ka­nilang hinabol ang mga tumatakas na suspek. (Lordeth Bonilla)

Show comments