P1M marijuana nasabat

Tinatayang P1 mil­yon pisong halaga ng high grade marijuana bricks ang nasabat ng mga operatiba ng Manila Police District ka­sabay ng pagkaka­aresto sa isa sa mga suspek sa Port Area, Manila kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang gina­gamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital san­hi ng tama ng bala sa katawan ang suspek na si Raul Molina, 42, vendor ng gate 6 Pier South, Port area s­a­mantalang naaresto naman ng pulisya at kasalukuyang nakapiit sa MPD station 2 detention cell ang ka­sama nitong si Lino Sabino, 48, ng Lot 2 Blk., Baseco compound Tondo.

Naaresto ang mga suspek sa Berth 5, Manila International Con­tainer Terminal, Pa­rola Tondo, Manila.

Tinangka pa uma­nong magpaputok ng baril ni Molina laban sa mga rumespondeng pulisya subalit nag­paputok din ang pu­lisya na nagresulta sa kanyang pagkaka­sugat at pagkaka­aresto ng mga ito.

Nabatid na inarkila umano ni Molina ang Bangka ni Sabino sa halagang P1,500 para ihatid ang tatlong tra­ vel­ling bag nito na nag­lalaman ng 100 kilo o 90 bricks na high grade na marijuana sa da­ungan ng mga barko sa MICT. (Gemma Garcia)

Show comments