^

Metro

2009 budget ng BI aprub sa Kamara

-

Bilang pagkilala sa ma­gandang performance ng Bureau of Immigration (BI) sa larangan ng revenue collection, foreign invest­ments at tourist arrivals ngayong taon, agad na ina­prubahan ng sub-com­ mittee ng House ang pa­nukalang budget ng ahen­siya para sa 2009 na nag­kakahalaga ng P333.248 million.

Batay sa rekomen­dasyon ni Cagayan de Oro Rep. at dating BI Commis­sioner Rufus Rodriguez, ibinigay ni sub-committee chairman Rep. Edcel Lag­man ng Albay ang nasabing alokasyon para sa BI, na mas mababa ng P29 million sa pondo nito para sa 2008.

Ngunit nilinaw ni Lag­man na maaari pang tu­maas ang pondo ng BI, de­pende sa mga pagba­bagong ipapasok sa pam­bansang budget kapag dumaan na ito sa pinal na deliberasyon.

Ayon kay Immigration Commissioner Marcelino Libanan, humihingi ang BI ng P1.339 billion para sa 2009 dahil na rin sa impor­tanteng papel na ginagam­panan ng bureau sa paghi­kayat ng foreign investors at turista, maliban pa sa pinakamahalagang traba­ho nito na bantayan ang bansa laban sa di kanais-nais na dayuhan at terorista.

“The bureau would con­tinue with the compute­rization program of its offices next year to make it work more efficient,” wika ni Libanan.

Sa ginawang pagdinig ukol sa pondo ng BI, sinabi ni Lagman na kinikilala ng komite ang mahalagang papel ng ahensiya sa pag­hikayat ng foreign investors at turista, maliban pa sa pangangalap ng pondo para sa gobyerno.

Malaki ang maitutulong ng pagkilalang ito ng mga kongresista upang maapru­bahan ang mas mataas na pondo para sa BI, ayon kay Lagman.

Batay sa financial re­ports, ang BI ay isa sa mga pinagkukunan ng pera ng pa­mahalaan. Ngayong taon, nabigyan lang ang BI ng P362 million ngunit binig­yan ng target na P1.4 billion.

Kamakailan, nalam­ pa­san na ng BI ang nasabing target at inaasahan ni Libanan na madaragdagan pa ng P600 million ang kita ng ahensiya bago matapos ang taon.

Kapag naabot ng BI ang bagong pagtaya sa kikitain nito, aabot na sa P1.5 billion ang naiaambag ng ahensiya sa kaban ng bayan ngayong taon. (Butch Quejada)

BATAY

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

EDCEL LAG

IMMIGRATION COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

LAGMAN

LIBANAN

ORO REP

RUFUS RODRIGUEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with