^

Metro

2 ginang timbog sa shabu

-

Dalawang ginang na ang negosyo ay ang pag­tu­tulak ng droga ang na­lambat ng mga awto­ridad sa isang buy-bust opera­tion kamakalawa sa Mala­bon City.

Kinilala ni Sr. Insp. Arnel Dimalanta, hepe ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ang da­la­ wang naarestong sus­pek na sina Adela Lozarita-Bog­losa, 45, at Aurora Lo­pez, 42, kapwa ng Laba­hita St., Brgy. Longos, Dagat-Da­gatan, Malabon City.

Nabatid na dakong alas-5:30 ng hapon nang maaresto ang mga sus­pek sa kahabaan ng Labahita St. malapit sa kanilang ba­hay sa na­sabing barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya, ilang residente ang nagbi­gay ng impor­masyon tung­kol sa tala­mak na benta­han ng bawal ng droga sa ka­nilang lugar ng dala­wang suspek.

Isang buy-bust opera­tion ang isinagawa kung saan unang nadakma si Lopez habang inaabot ang plastic sachet ng shabu sa mga pulis na nagpanggap na buyer. Itinuro naman nito si Boglosa na siya niyang pinagkukunan ng shabu.

Inihahanda na ang kaso laban sa dalawang ginang. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ADELA LOZARITA-BOG

ARNEL DIMALANTA

AURORA LO

AYON

DRUGS-SPECIAL OPERATION TASK GROUP

LABAHITA ST.

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

SHY

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with