^

Metro

6 'kotong' money changer, timbog

-

Sinalakay at pinagda­dampot ng mga tauhan ng District Mobile Force Unit (DMPU) ng MPD ang anim kataong pina­niniwa­laang responsable sa mga ‘pangongotong’ o kulang ang ibinabayad sa mga nagpapalit ng dol­yar sa ilang money changer, sa Ermita, May­nila, kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga na­dakip na suspects na sina Billy Akmad, 54; dalawang anak nitong sina Odan, 22, at Randy, 23; Lauro San­tiago, 18, Joseph Gomez, 23; at Rogie Unay, 22.

Ayon sa report, da­kong alas-12 ng hapon nang isagawa ang ope­rasyon sa iba’t ibang money changer sa Ma­bini St., at Sta. Monica St., Ermita, Manila.

Nabatid na ipinarating sa pamamagitan ng e-mail kay MPD Director Roberto Rosales ng mga nagre­reklamong biktima ang sina­sabing ‘kotong’ na money changer noong Agosto 17, 2008.

Isa sa biktima ay naki­lalang si Jasmin Cruz-Van Schaik, asawa ng isang Dutch national, na nagpalit ng dolyar noong Agosto 7, 2008 sa Len Money Changer sa A. Mabini St., Malate, at na­tangayan siya ng P180,000 na dito na­aresto ang isang teller na nagngangalang Anna­belle Santos, 38.

Bukod sa e-mail, ilang overseas Filipino workers din ang lumantad sa tang­gapan ng MPD na uma­no’y nakaranas din ng short changed kaya ipinag-utos ni Rosales ang pagsa­sagawa ng operasyon.

Kaugnay nito, nabatid na ilang pulis-Maynila ang kinakaibigan ang umanoy nagbibigay pro­teksyon sa mga tiwaling money changer na naki­kinabang din sa ilegal na operas­yon ng mga ito. (Ludy Bermudo)

AGOSTO

BILLY AKMAD

DIRECTOR ROBERTO ROSALES

DISTRICT MOBILE FORCE UNIT

ERMITA

JASMIN CRUZ-VAN SCHAIK

JOSEPH GOMEZ

LAURO SAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with