Nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang mga laboratory equipment na umanoy ginagamit sa paggawa ng illegal na droga.
Sinabi ni Customs Commissioner Napoleon Morales, ang mga nasabat na kargamento ay nadiskubre mula sa loob ng isang container van na dumating noong isang linggo sa Port of Manila galing sa Japan.
Naka-consign umano ang nasabing mga kargamento sa Nissan Seiko Corp. at idineklarang mga food processing equipment.
Subalit nang busisiin ang mga ito ay nakita ng mga customs inspector na ang mga kagamitan ay maaaring makapag-produce ng shabu.
Kasabay nito, nakasabat din ang BOC ng kahung-kahong “herbal medicines” mula naman sa bansang China.
Patuloy namang nagsasagawa ng imbentaryo ang BOC at Philippine Drug Enforcement agency (PDEA)upang matukoy ang halaga ng nasabing mga kargamento. (Gemma Amargo-Garcia)