^

Metro

Anti drug sa NAIA inalarma vs sindikato ng droga

-

Inalarma na ngayon ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) ang kanilang mga anti-drug agents na nakatalaga sa NAIA dahil sa hinalang may mga kasabwat sa mga paliparan ang sindi­kato ng drug smuggling.

Bukod sa mahigpit na pagbabantay ngayon ng PDEA-Airpoirt Interdiction Team, nakatakda rin nga­yon ang kanilang pakiki­pag-ugnayan sa pamu­nuan ng PNP-Aviation Security Group at Airport Police.

Ang aksyon ay isina­gawa matapos ang mag­ka­­sunod na pagkakadakip sa dalawang Filipino sa Shanghai Fudong Inter­national Airport kung saan nakumpiska ang hindi pa mabatid na timbang ng heroin.

Nabatid na sakay ang dalawa ng magka­ibang eroplano ng Cebu Pa­cific at nagmula sa NAIA. Hiniling din ng Dan­gerous Drugs Board (DDB) sa pamunuan ng PDEA na suriin ang kanilang mga ta­uhan sa airports kung bakit sila nalulusutan ng sin­dikato.

Mas malaki na umano ngayon ang problema ng Pilipinas sa isyu ng drug couriers dahil sa lumipat na ang operasyon ng sin­dikato sa Pilipinas ma­tapos na mabuwag ang grupo sa Malaysia. Ma­higpit rin nga­yon ang ko­ordinasyon ng PDEA at DDB sa Bureau of Im­migration sa mga Nigerian at iba pang Africano na pumasok sa loob ng bansa.

Samantala, inihayag ka­hapon ni Manila Inter­national Airport Authority General Manager Al Cusi na kanyang kakasuhan ang sinumang airport at air­lines personnel na sangkot sa pagpupuslit ng ipinagbabawal na gamot at kasabwat ng international drug syndicates kasunod ng pagkaka-aresto ng da­lawang Pinoy sa Shanghai International Airport ma­tapos na mahulihan ng kilu-kilong heroin mula Pilipinas. 

Inatasan ni Cusi si ret. General Angel Atutubo, MIAA asst. general ­for emergency and security services na magsagawa ng malalimang imbesti­gasyon at alamin ang nasa likod nang pagkakalusot ng kilu-kilong heroin pa­labas sa NAIA na dala ng isang 33-anyos na Pinay nitong Martes ng gabi. Nasabat ang Pinay nang makita ang heroin na si­niksik sa limang sapatos pag­dating nito sa Shang­hai Airport sa China na may direct flight sa NAIA. 

Iniutos din ni Cusi kay Atutubo na magdagdag ng K-9 patrol sa lahat ng baggage at breakdown areas sa lahat ng NAIA terminal kasabay ng pagpapalakas ng counter intelligence network. Pinahihigpitan din nito ang pagbibigay ng access pass lalo na sa passenger movement areas. (Danilo Garcia at Ellen Fernando)

AIRPOIRT INTERDICTION TEAM

AIRPORT AUTHORITY GENERAL MANAGER AL CUSI

AIRPORT POLICE

AVIATION SECURITY GROUP

BUREAU OF IM

CEBU PA

CUSI

DANILO GARCIA

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with