^

Metro

Obrero lasog sa bumagsak na kisameng semento

- Rose Tamayo-Tesoro -

Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 30-anyos na construction worker makaraang mapitpit at magkalasug-lasog ang katawan nito nang ma­bagsakan ng makapal na sementadong kisame, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Patay na nang idating sa Pasay City General Hospital bunga ng pag­ka­kabasag ng bungo, mga bali at matinding sugat sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan ang bik­­timang si Raymond Re­codia ng Palos Ver­des Corporation at re­sidente ng Cahi­ diocan, Romblom.

Batay sa imbestig­as­yon, naganap ang insi­dente dakong   alas-5 ng hapon   habang ang bik­tima ay nagsisinsel ng sementadong kisame ng isang gusali na nasa #1916 Dominga St., Pasay City.

Nabatid na ang na­sabing gusali ay kinu­kum­puni para mapalitan ang mga bitak na se­mento kung saan unang sininsil ng biktima ang sementadong kisame sa ground floor nito.

Nang masinsil na ng biktima ang buong gilid ng kisame at dahil sa bigat ng semento na may sukat na 2-1⁄2 ang kapal, bigla itong bumagsak at lumagpak sa mismong mukha nito hanggang sa madaganan ang kan­yang buong katawan.

Dala naman ng sob­rang bigat ng makapal na semento, hindi agad na­ilabas ang biktima na naging dahilan upang agaran itong masawi.

Matapos naman ang halos isang oras na isina­gawang pagsalba sa biktima mula sa pagka­kaipit, agad naman itong itinakbo ng kanyang ka­patid sa nabanggit na pa­gamutan subalit minalas na hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

vuukle comment

BATAY

CAHI

DALA

DOMINGA ST.

MATAPOS

PALOS VER

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

RAYMOND RE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with