2 nagbigti sa QC

Isang kargador at isang diabetic na driver ang nag­patiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti sa magka­hiwalay na lugar sa Que­zon City kahapon ng ma­daling-araw.

Nakilala ang mga na­sawi na sina Sherwin Enci­nares, 19, kargador ng NFA at residente ng Brgy. Baesa, at si Felix Salunoy, 57, dating taxi driver, ng Brgy. Central sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng pu­lisya, dakong ala-1 ng ma­daling-araw nang madis­kubre ang pagpapa­kama­tay ni Encinares ng kan­yang kinakasama sa loob ng kanilang bahay. Na­batid na unang nakipag-inuman ang nasawi sa mga kapit­bahay habang nakatulog naman sa pag­hihintay ang ka-live-in nito. Naalimpu­nga­tan naman ang ka-live-in ni Encinares kung saan na­dis­kubre ang nakabitin na katawan nito gamit ang isang sinturon. Sa masu­sing imbestigasyon, naba­tid na ikinakabahala uma­no ni Encinares ang naga­ganap na imbestigasyon sa kanyang pinapasukang bodega dahil sa talamak na nakawan ng bigas.

Dakong alas-2 naman ng madaling-araw nang ma­diskubre ang bangkay ni Salunoy ng kanyang ma­nu­gang na nakabitin sa banyo ng kanilang bahay. Ayon sa asawa ng biktima na si Melanie, matagal na uma­nong nakakaranas ng de­presyon ang mister buhat nang hindi na maka­pama­sada nang lumala ang diabetes. (Danilo Garcia)

Show comments