Alma Moreno kinasuhan ng estafa
Sinampahan kahapon sa Parañaque City Prosecutor’s Office ng kasong estafa ang actress/politician na si Alma Moreno makaraang tumalbog ang ibinayad nitong tseke sa Media Ad na isang advertising company.
Ayon sa Media Ad, tumalbog umano ang tsekeng nagkakahalaga ng P190,000 na ibinayad ng konsehala/aktres sa kanilang kompanya.
Nabigo umano si Alma na pondohan ang nasabing tseke na ibinayad nito para sa kampanya noong 2007 election. Giit ng complainant na kahit ilang ulit nilang siningil si Alma ay hindi ito nagbayad.
Sa kabilang panig, aminado naman ang aktres na naglabas nga siya ng tseke para sa kompanya pero ang kanyang staff umano na si Lilibeth Peña ang kausap ng ad agency noong kasagsagan ng kanyang pangangampanya noong 2007 elections. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending