^

Metro

3 holdaper todas sa shootout

- Edwin Balasa -

Patay ang tatlong hini­hinalang holdaper ha­bang arestado ang dalawa pang kasamahan ng mga ito matapos na makipag­ barilan sa mga tauhan ng Marikina Po­lice at Eastern Police District (EPD) ka­maka­lawa ng gabi sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga na­sawi na sina Joel Monte­falcon, sangkot sa ka­song highway robbery at rob­bery snatching; Joey Mon­tefalcon may kasong robbery at qualified theft at Jorge Piñon, 24, sang­kot naman sa kasong high­way robbery, robbery snatching at direct as­sault, pawang mga resi­dente ng nasabing lungsod.

Naaresto naman ang dalawa pa na kinilalang sina Salvador Felipe na sangkot sa limang kaso ng robbery at Alwin De­pano na sangkot sa ka­song theft kapwa resi­dente ng #12 Mangga­­han Extn. Brgy. Tañong, Ma­rikina City.

Ayon kay Supt. So­tero Ramos, hepe ng Ma­ri­kina police, naganap ang engkuwentro dakong alas-9:10 ng gabi sa ka­ha­baan ng Dao St. , Brgy. Marikina Heights ng lungsod na ito.

Nabatid na nagsasa­gawa ng routine patrol ang tropa ng Marikina Special Weapons and Tactics (SWAT) nang ma­mataan ang dalawa sa mga suspek na magka­ka­angkas kaya nilapitan nila ito upang sitahin su­balit agad silang pinapu­tukan ng mga sakay ng motorsiklo kaya gumanti na rin ng putok ang mga tauhan ng SWAT na iki­nasawi ng drayber ng motorsiklo.

Tumakas naman ang angkas at sumakay sa parating na kulay maroon na Tamaraw FX na may plakang “for registration” na hinihinalang kasama­han ng mga suspek su­ba­lit hindi pa nakakalayo ito ng takbo ay naharang na ng rumespondeng mga tauhan ng EPD Mobile Force na nagre­sulta ulit ng madugong engkwentro.

Sinamantala naman ng driver ng FX ang sa­gupaan at tumakas ito pa­tungo sa hindi pa ma­batid na direksyon ha­bang sina Felipe at De­pano ay nadakip sa ma­dilim na iskinita habang papatakas sa lugar ng insidente.

Narekober ng pulisya sa mga suspek ang tat­long .38 na kalibre ng baril na puno ng bala, mga granada gayundin ang motorsiklo na ginamit ng dalawang suspek.

Ang bangkay ng tat­long suspek ay naka­lagak ngayon sa EPD Crime Laboratory sa Marikina City habang ang dala­wang naaresto ay naka­kulong ngayon sa Mari­kina Police de­tention cell.

ALWIN DE

BRGY

CRIME LABORATORY

DAO ST.

EASTERN POLICE DISTRICT

JOEL MONTE

JOEY MON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with