Bading tinarakan ng kapwa bading
Sugatan ang isang sinasabing bading makaraang saksakin ng kapwa nito binabae matapos na mag-asaran sa hitsura nila kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang nakatakas na suspek na nakilala lamang sa alyas Narda, habang ginagamot naman sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Angelo Chika residente ng Broadway Avenue, New Manila.
Sa ulat ng Quezon City Police District-Station 10, naganap ang insidente dakong alas- 3:45 ng madaling-araw sa Gumamela St., Brgy. Roxas, sa naturang lungsod.
Nabatid na kapwa nakaistambay sa naturang lugar ang dalawang binabae nang mag-asaran. Sinabihan umano si Chika ng kasama na masyado itong pangit para maging bakla na gumanti naman ng pang-aasar. Dito nagkapikunan ang dalawa na nagresulta sa sabunutan at kalmutan.
Dito nagbunot ng patalim si Narda at sinaksak si Chika sa braso at katawan bago mabilis na tumakas. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending