^

Metro

4 kawatan todas sa shootout

- Ni Angie dela Cruz -

Apat na pinaniniwala­ang mga holdaper/ car­jackers lulan sa dala­wang motorsiklo ang na­patay ng mga tauhan ng Quezon City police ma­tapos ang naganap na shootout ka­makalawa ng gabi sa may Common­wealth ng na­bang­git na lungsod.

Nakilala ang mga na­patay na suspek sa pa­ma­magitan ng kanilang ID na sina Dominic Torres, 43; Ber­nard Sa­libio, 29; Ber­nardo Re­quero, 31; at Wil­bert Ri­ca­fort, pawang resi­dente ng Sitio Galas, Ba­lasing, Sta. Maria, Bulacan.

Ayon sa ulat, naga­nap ang shootout dakong alas-11:40 ng gabi sa kanto ng Bicol-Leyte at San Pedro Streets, Brgy. Common­wealth, Quezon City.

Nabatid pa sa report na kasalukuyang nagsa­sa­gawa ng   “Oplan Sita” ang mga tauhan ng QCPD Anti-carnapping unit sa ka­habaan ng Com­mon­wealth Avenue nang ma­ispatan ang apat na sus­pek sakay ng dala­wang mo­torsiklo patungo ng Que­zon City Me­morial Circle.

Kaagad na pinara ng mga pulis ang naturang mga suspek pero sa halip na huminto ay ma­bilis na pinasibad ang ka­nilang mga sasakyan   pa­tungo ng Villongco St. kaya’t hina­bol sila ng mga awtoridad.

Habang tinutugis ang mga suspek nagpaputok ang mga ito sa direksyon ng mga pulis kayat napi­litang gumanti ng putok ang grupo ng huli.

Matapos ang maikling gunbattle bumulagta ang apat na suspek habang nakatakas naman ang dalawa pang kasama­han ng mga ito.

Narekober sa crime scene ang M26 fragmen­tation grenade, 3 .38 ca­li­ber revolvers at 12-gauge shotgun.

Malaki ang paniwala ng pulisya na maaaring nag-aabang ang mga sus­pek ng kanilang pani­ba­gong bibiktimahin nang maispa­tan ng mga pulis.

CITY ME

DOMINIC TORRES

OPLAN SITA

QUEZON CITY

SAN PEDRO STREETS

SHY

SITIO GALAS

VILLONGCO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with