^

Metro

Colonel patay sa pansit

- Nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla -

Isang Air Force Co­lonel na kilalang Minda­nao war veteran pilot na malapit nang ma-pro­mote bilang heneral ang na­tagpuang patay sa loob ng quarters nito sa Villa­mor Air Base sa Pasay City kahapon ng umaga.

Sinabi ni Philippine Air Force (PAF) Chief Lt. Gen. Pedrito Cadungog ang biktimang si Col. Miguel Gequillo Guia­logo, 54, ay namatay sa atake sa puso matapos itong mag-ehersisyo.

“He died of a heart at­tack or acute myocardial infection. He just came from a Physical Fitness Test as a requirement to a Brig. Gen. position,” pa­hayag ni Cadungog.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya, na matapos ang pag-eehersisyo ay ku­main pa ng pansit ang na­turang colonel. Ilang san­dali ang lumipas ay natag­puan na itong patay.

Sinabi ni Cadungog na si Guialogo ay naka­talaga bilang hepe ng Air Force Research and Development Center na nakabase sa Fernando Air Base sa Lipa City.

Ayon sa PAF Chief, si Guialogo ay natagpuang patay dakong alas-9:30 ng umaga sa Room 18 sa ikalawang palapag ng Married Officers Quarters sa Villamor Air Base na siyang punong himpilan ng PAF.

Inihayag ng heneral na isang malaking kawa­lan sa PAF ang pagka­matay ni Guialogo na isang mahusay na piloto at propesyunal na opisyal.

AIR BASE

AIR FORCE RESEARCH AND DEVELOPMENT CENTER

CADUNGOG

CHIEF LT

FERNANDO AIR BASE

GUIALOGO

ISANG AIR FORCE CO

LIPA CITY

MARRIED OFFICERS QUARTERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with