^

Metro

Preso nang-agaw ng baril, todas sa escort

-

Patay ang isang detainee ng   District Special Police Unit sa Manila City Hall nang mabaril ng kanyang police escort ma­tapos na mang-agaw ng baril habang patungo sa ospital kahapon ng madaling-araw sa Maynila.

Nakilala ang biktima na si Raymond Benedict Burgos, 23, miyembro ng Sputnik Gang sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-4:43 ng madaling araw nang duma­ing ng pana­nakit ng dibdib si Burgos kung kaya’t agad namang kumilos ang mga pulis na sina P01 Aurelio Neral III at PO1 Jupiter Tajonera para dalhin ito sa ospital.

Pinasibad na ni Neral ang sasakyan subalit nagulat si Tajo­nera nang biglang agawin ni Burgos ang kanyang baril hanggang sa magkaroon ng komosyon. Sa patuloy na aga­wan sa baril ay nabaril ni Tajo­nera si Burgos subalit agad din nila itong dinala sa nasabing ospital.

Kasabay nito, itinanggi ng mga pulis na sinalvage nila ang biktima. Anila,   hindi naman nila akalain na magagawa ni Burgos na mang-agaw ng baril dahil na rin sa masamang pakiramdam nito. Maaari rin na gumawa lang ito ng dahilan para mailabas ng kulungan at isakatuparan ang balaking pagtakas.

Lumilitaw na si Burgos ay nakulong sa kasong child abuse matapos umanong ipaaresto ng   pamilya ng kanyang biniktima. Ibinideo pa ni Burgos ang pang momolestiya na kanyang gina­gawa sa paslit na biktima sa Singalong, Maynila. (Doris Franche at Ludy Bermudo)

AURELIO NERAL

BURGOS

DISTRICT SPECIAL POLICE UNIT

DORIS FRANCHE

JUPITER TAJONERA

LUDY BERMUDO

MANILA CITY HALL

MAYNILA

RAYMOND BENEDICT BURGOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with