^

Metro

2 bagong laya, itinumba

- Rose Tamayo-Tesoro -

Kapwa natagpuang patay kahapon ang dalawang ka­sapi ng hold-up and robbery gang na kapwa kalalaya lamang kamakalawa sa   Pasay City.

Ang mga biktima ay kini­lala sa pamamagitan ng mga nakuhang release papers mula sa Parañaque City Jail na sina Alexander Corpus at Edito Lufranco, kapwa 34-anyos.

Nabatid na si Corpus, residente ng Parañaque City at Lufranco ng Cavite City ay natagpuang magkapatong dakong alas-4 ng madaling-araw sa harapan ng Chinese School sa William St., na may ilang hakbang lamang ang layo mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon na rin sa pagsisiya­sat ng pulisya, ang mga bik­tima ay kapwa   miyembro ng “Sigue-Sigue Sputnik Gang” at tadtad ng tattoo sa katawan na umano’y sangkot sa serye ng mga holdapan sa ilang mga lungsod ng Kalakhang Maynila.

Lumalabas naman sa isi­nagawang pagsusuri ng Scene of the Crime Opera­tives (SOCO) team na kapwa may tama ng bala sa ulo ang mga biktima, nababalutan ng packaging tape ang kanilang mga mukha at nakagapos din ang mga kamay ng mga ito.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Joel Landicho, may ha­wak ng kaso, ang mga biktima ay kalalaya pa lamang sa Parañaque City Jail nitong na­karaang Martes dahil sa mga patung-patong na kaso ng robbery.

Ayon naman sa pahayag ng isang security guard ng lugar, bago natagpuan ang bangkay ng mga biktima ay una siyang nakarinig ng mag­kakasunod na putok ng baril hindi kalayuan sa DFA.

Narekober naman ng awto­ridad ang apat na basyo ng .45 kalibre ng baril sa natu­rang lugar na posibleng gina­mit sa pagpatay sa mga biktima.

ALEXANDER CORPUS

AYON

CAVITE CITY

CHINESE SCHOOL

CITY JAIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EDITO LUFRANCO

JOEL LANDICHO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with