^

Metro

P50,000 sa ulo ng killer ng turista

-

Naglaan ang Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce Industry ng P50,000 pabuya sa sinumang makaka­pagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek na pumatay sa isang turistang Chinese national sa Binondo, Manila noong nakaraang linggo.

Ito ang inihayag kahapon ni Manila Police District Director Chief Superintendent Roberto Rosales makaraang makipag­pu­long sa kanya ang mga opisyal ng FFCCCII at pamilya ng biktimang si Wu Shou Bang, 21-anyos.

Hininalang pumatay kay Wu ang isang store helper na si Jonas Basas, 27, na nakaaway niya bago naganap ang krimen.

Nabatid na dumating sa bansa bilang turista si Wu noong Marso 20 pero nag­trabaho pansamantala bilang manedyer sa tindahan ng kanyang tiyuhin sa Binondo.

Makaraang paslangin si Wu, tinangay din umano ng suspek ang lap top, cellphone at P1,000 cash ng biktima. (Nestor Etolle)

BINONDO

CHINESE CHAMBER OF COMMERCE INDUSTRY

HININALANG

JONAS BASAS

MAKARAANG

MANILA POLICE DISTRICT DIRECTOR CHIEF SUPERINTENDENT ROBERTO ROSALES

MARSO

NESTOR ETOLLE

WU

WU SHOU BANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with