Sunog sa St. Luke's at Veterans

Isang bahagi ng kinu­kumpuning gusali ng St. Luke’s Medical Center sa Fort Bonifacio, Taguig City ang muntik maabo sa isang sunog dito ka­hapon ng umaga.

Nagsimula ang sunog sa cooling system ng gu­sali sa roof deck nito pero naapula ito dakong alas-12:05 ng tanghali.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi ba­gaman tinatayang ma­higit sa P1 milyong ha­laga ng ari-arian ang tinupok ng sunog.

Kasabay nito, uma­abot sa mahigit P20 mil­yon halaga ng ari-arian ang natupok makaraang sumiklab ang sunog sa may kantina ng Veteran’s Memorial Me­di­cal Center sa North Ave­nue, Que­zon City ka­hapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region, dakong 2:30 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy mula sa kantina ng ­kung saan gumapang ito sa kalapit na mga kuwarto at opisina ng gusali.

Posible umanong “faulty wiring” ang sanhi ng sunog dahil wala namang LPG tank na sumabog sa may kan­tina. (Rose Tamayo-Tesoro at Danilo Garcia)

Show comments