Haponesa timbog sa shabu
Huli sa akto ang isang Haponesa habang itinatangkang ipuslit papalabas ng bansa patungong Japan ang kulang sa kalahating kilo ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport.
Iprinisinta ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Sr. Dionisio Santiago Jr. sa mamamahayag ang suspek na si Hitomi Hasegawa, 50-anyos, at naninirahan sa #273 Kumano-Sho, Aki-Gun, Japan.
Nadakip si Hasegawa dakong alas-12:40 kamakalawa ng hapon sa NAIA Centennial Terminal 2 sa Pasay City.
Nabatid na dumaraan na ang suspek sa “Final Security Checkpoint 2” kung saan kinapkapan ito at nadiskubre ang isang plastic sachet na naglalaman ng naturang iligal na droga. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending