^

Metro

Nagbenta ng nakaw na laptop inihabla

-

Kinasuhan na kahapon ng paglabag sa Anti-Fencing Act sa Manila Regional Trial Court ang isang lalaking nagbe­benta ng nakaw na laptop sa pama­magitan ng kanyang website na na­unang naaresto sa entrapment opera­tion ng National Bureau of Investigation kamakailan.

Sinabi ni Assistant City Prosecutor Viven C Andino na may probable cause upang sampahan ng kaso si Delver E. Dizon, residente ng #153 Reparo St., Baesa, Caloocan City.

Inirekomenda ng piskal ang P36,000 piyansa para sa pansamantalang pag­laya ni Dizon.

Nauna rito, napaulat na inianunsyo ni Dizon sa internet ang ibinibenta niyang isang laptop na lumilitaw na pag-aari ng isang Atty. Virgilio D.C. Herce.

Nagreklamo sa NBI si Herce nang mabasa niya sa website ni Dizon ang ibinebenta nitong laptop na lumilitaw na siyang ninakaw sa kanya.

Ayon kay Herce, ninakaw sa kan­yang van na nakaparada sa isang gaso­li­nahan sa Magallanes Village, Makati City noong Agosto 7 ng taong ito ang dalawa niyang laptop na Toshiba Qosimo. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ASSISTANT CITY PROSECUTOR VIVEN C ANDINO

CALOOCAN CITY

DELVER E

DIZON

FENCING ACT

HERCE

LUDY BERMUDO

MAGALLANES VILLAGE

MAKATI CITY

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with