^

Metro

Dalagita 'pinilahan' sa barangay outpost

-

Isang 15-anyos na da­lagita ang halinhinang ginahasa ng walong lalake makaraang maki­pag-inuman sa mga ito sa loob ng isang ba­rangay outpost sa Mala­bon City kamakalawa ng gabi.

Halos hindi pa maka­pagsalita nang maayos ang biktimang itinago sa alyas na Jennifer nang magreklamo sa Wo­men’s and Children’s Con­cerned Desk ng Ma­labon City Police.

 Sinabi ni Jennifer na nauna rito, isang kaibi­gang babae ang umim­bita sa kanya na maki­pag-inuman sa Block 13, Hasa-Hasa St., Brgy. Longos ng nabanggit na lungsod dakong alas-9 ng gabi.

Inabutan niya sa bahay ang walong nag-iinumang kalalakihan at isa dito ang mister ng kan­yang kaibigang ba­bae na si Ryan. Agad siyang tinagayan ng mga ito.

 Ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay nagyaya na umano si Ryan na lumabas ng bahay papunta sa isang barangay outpost at doon na lamang ituloy ang inuman dahil nai­inga­yan ang maliit nitong anak.

Pagdating doon ay hinawakan na umano ng mga ito ang kanyang kamay at paa habang pinagtutulungang huba­rin ang kanyang saplot sa katawan.

Walang awa umano siyang pinagpasasaan ng walong hayok na kala­lakihan hanggang sa magsawa ang mga ito at iwan siya.

Sa isinagawa na­mang operasyon ng pu­lisya ay naaresto ang dalawa sa mga suspek na sina John Rey Garlan, 20-anyos, at Clark de Ramas, 18, habang pi­nag­hahanap pa ang mga kasamahan nito na ki­nilala lamang sa mga alyas na Ryan, Toto Sablay, Darwin, Jonjon, Bilog na mabilis na tuma­kas matapos ang pang­gagahasa sa biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

BILOG

CITY POLICE

HASA-HASA ST.

JENNIFER

JOHN REY GARLAN

ROSE TAMAYO-TESORO

RYAN

SHY

TOTO SABLAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with