^

Metro

Estudyante nagpatiwakal

- Ni Ludy Bermudo -

isang umano’y tom­boy na criminology stu­dent ang nagbaril sa sarili at namatay nang hindi siya mapatawad ng live-in partner na nagselos sa pakikipag­kita niya sa isa niyang dating nobya sa isang binyagan sa Tondo, Manila kahapon ng ma­daling-araw.

Binawian ng buhay sa Mary Johnston Hos­pital ang biktimang si Ma. Eleanor dela Cruz, da­laga, at resi­dente ng #526 Mel Alcayde St., Tondo.

Sa ulat ni Det. Ed­gardo Ko ng Manila Po­lice District-Homicide Section, dakong alas-12:40 ng mada­ling-araw nang maga­nap ang insi­dente sa loob ng kuwarto ng biktima at nang live-in partner nitong si Heidi Arnaldo, 20.

Nabatid na nagka­roon ng pagtatalo sina dela Cruz at Arnaldo nang matuklasan ng huli na kasama ng una ang dati nitong nob­yang si Eda sa na­sabing bin­yagan.

Nagalit at nanum­bat ang nagseselos na si Arnaldo. Hindi nito kinibo ang biktima kahit humi­hingi ito ng tawad.

Umabot na umano ng madaling-araw na ma­tigas pa rin ang loob ni Arnaldo hanggang ma­isipan ni dela Cruz na kunin ang baril nito at paputukan ang sa­riling sentido sa harap ng una.

Pinaniniwalaang ipi­nakita lamang ng biktima na sinsero siya sa kan­yang paghingi ng tawad kaya sa harap ng nobya ito nag­pakamatay.

ARNALDO

BINAWIAN

CRUZ

DISTRICT-HOMICIDE SECTION

EDA

HEIDI ARNALDO

MANILA PO

MARY JOHNSTON HOS

MEL ALCAYDE ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with