Ginang binoga
Isang misis ang binaril at napatay ng kinakasama niyang lalake makaraang bungangaan umano niya ito sa kanilang bahay sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Dina Acuyong, 23, residente ng 664 Protacio St., ng nabanggit na lungsod. Agad namang tumakas ang suspek na si Carlo Rico Tiedra, 22, live-in partner ng biktima.
Ayon sa ilang saksi, bandang alas-3:00 nang madaling-araw nang makarinig ng ingay mula sa bahay ng mag-live-in at hininalang inumaga na naman ng uwi ang suspek.
Maaari umanong nagseselos ang biktima at hinihinalang may ibang babae ang suspek hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo at mabaril ng huli ang una. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending