^

Metro

Traffic enforcer napag-tripan, patay

-

Pinagsasaksak hang­gang sa mapatay ang isang 39-anyos na volun­teer traffic enforcer ng pi­naghihinalaang “tripper” kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat. Andres Bo­ni­facio Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Rodolfo Sabater ng Tandang Sora St. Quezon City .

Inilarawan naman ang suspek na may edad na 30-32 anyos, may taas na 5’4’’ hanggang 5’5’’, naka­suot ng kulay itim na sando at short pants at armado ng patalim.

Sa inisyal na ulat, da­kong alas-7 ng umaga nang maganap ang insi­dente sa panulukan ng Claro M. Recto Ave., at Juan Luna St., Tondo. Bago maganap ang insi­dente nabatid na nagma­mando ng trapiko ang bik­tima sa naturang lugar habang ang suspek ay sumabit sa likurang bahagi ng isang delivery van at paglapit nito sa una ay walang sabi-sabing inun­da­yan ito ng saksak sa katawan.

Matapos ang pananak­sak ay tumakas ang sus­pek sa direksiyon ng Padre Rada St., na tila walang nangyari.

Nabatid na ang biktima ay mahilig umanong mag­mando ng trapik kaya ma­dalas umano itong nakikita kahit saan kaya hinala ng pulisya na napagtripan lamang ito ng suspek na posible rin naaasar tuwing nakikitang nagpapakitang gilas ito sa pagtra-tra­pik. (Gemma Amargo-Garcia)

ANDRES BO

CLARO M

GEMMA AMARGO-GARCIA

INILARAWAN

JUAN LUNA ST.

PADRE RADA ST.

RECTO AVE

RODOLFO SABATER

SHY

TANDANG SORA ST. QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with