^

Metro

Trabaho ilalaan ni SB para sa mga matatanda sa QC

-

Niliwanag ni Quezon City Mayor Feli­ciano “SB” Belmonte na ang kanyang administrasyon ay patuloy na magkaka­loob ng trabaho sa mga senior citizen upang manatiling produktibo ang mga ito habang sila ay nagkakaedad.

Binigyang diin ni Belmonte na ang paglalaan ng hanapbuhay sa mga mata­tanda sa lunsod kahit na part time o full time basis ay malaking tulong sa mga ito upang mapunan ang ibang pangangaila­ngan ng kanilang pamilya.

Ang proyekto ng city government para sa mga elderly ay tinawag na senior citizens volunteer program na binuo ng city government noong 2003.

Sa ngayon, ang city government ay may 200 senior citizen na nagtatrabaho bilang caregivers sa mga health centers, care­takers para sa day care centers at tutorial services.

“We have to give them something to test their mind. Marami pang magagawa ang mga senior citizens,” pahayag ni Belmonte.

Malaki rin ang paniwala ni Belmonte na ang ibang lokal na pamahalaan ay ga­gawin din ang naturang programa at ipatu­tupad ito ng Kongreso para maging isa itong ganap na batas laan sa mga senior citizen sa buong bansa.(Angie dela Cruz)

ANGIE

BELMONTE

BINIGYANG

CRUZ

KONGRESO

MALAKI

MARAMI

QUEZON CITY MAYOR FELI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with