Itinanggi ng pamilya ng dalawa sa mga suspect sa gang rape ang akusasyon na hinalay nila ang isang 15-anyos na dalagita noong Setyembre 4 sa loob ng isang hotel sa Caloocan City.
Kasabay nito, sasampahan ng kaso ng mga suspect na sina Nikko Morales, 19; at Paul Pineda, 29, ang mga pulis na humuli sa kanila kabilang sina PO3 Antonio Rigor at P/Insp. Alberto Villanueva. Sina Ri gor at Villanueva ay tauhan ng Mayor’s Complaint Action Team (MCAT).
Ilan sa mga isasampang kaso laban sa mga pulis ay ang arbitrary detention at ang illegal arrest dahil dinakip ang dalawa ng walang kaukulang arrest warrant. Sina Morales at Pineda ay pinalaya ng piskalya at may na “release for further investigation”.
Ayon sa pamilya ng mga suspect, walang nangyaring panggagahasa tulad na rin ng ibinibintang ng biktimang itinago sa pangalang Juliet.
Pinatotohanan naman ito ng medical certificate ng Philippine General Hospital (PGH) ng biktima kung saan nakasaad na walang anumang sugat o penetration nang maganap ang sinasabing panggagahasa. (Doris Franche)