^

Metro

Suspects sa gang rape, pumalag

-

Itinanggi ng pamilya ng dalawa sa mga sus­pect sa gang rape ang akusas­yon na hinalay nila ang isang 15-anyos na dala­gita no­ong Setyembre 4 sa loob ng isang hotel sa Caloocan City.

Kasabay nito, sasam­pa­han ng kaso ng mga sus­­pect na sina Nikko Mo­rales, 19; at Paul Pineda, 29, ang mga pulis na hu­muli sa kanila kabilang sina PO3 Antonio Rigor at P/Insp. Alberto Villanueva. Sina Ri­ gor at Villanueva ay ta­uhan ng Mayor’s Com­plaint Action Team (MCAT).

Ilan sa mga isasam­pang kaso laban sa mga pulis ay ang arbitrary de­tention at ang illegal arrest dahil dinakip ang dalawa ng walang kaukulang arrest warrant. Sina Mora­les at Pineda ay pinalaya ng piskalya at may ­na “re­lease for further investi­gation”.

Ayon sa pamilya ng mga suspect, walang nang­yaring pang­gagahasa tulad na rin ng ibinibintang ng biktimang iti­nago sa pangalang Juliet.

Pinatotohanan naman ito ng medical certificate ng Philip­pine General Hos­pital (PGH) ng biktima kung saan nakasaad na walang anu­mang sugat o penetra­tion nang maganap ang sina­sabing pangga­gahasa. (Doris Franche)

ACTION TEAM

ALBERTO VILLANUEVA

ANTONIO RIGOR

CALOOCAN CITY

DORIS FRANCHE

GENERAL HOS

NIKKO MO

PAUL PINEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with