^

Metro

Mister na pumatay sa misis, dedo sa piitan

-

Namatay sa loob ng Manila Police District-Integrated Jail ang isang mister na pumatay sa kanyang misis kamakailan, sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Noel Peralta, 38, suspect sa kasong parricide matapos ma­baril at mapatay ang misis nitong si Virginia Peralta, 35, noong Agosto 31, 2008.

Lumalabas sa awtopsiya na ang sakit na tuberculosis ang sanhi ng kamatayan ni Noel sa selda. Wala namang indikasyong may foul play, lalo’t nag-iisa ito sa kanyang selda.

Aminado ang mga anak na babaeng may edad 14 at 15, na matagal nang maysakit na TB ang kanilang ama at posibleng nakaapekto pa sa baga nito ang pagtatangkang magpa­kamatay nang uminom ng ‘Zonrox’, isang dis­infectant liquid cleaner.

Nabatid na inakala ng mga imbestigador ng Homicide Section, kamakalawa ng umaga na tulog lamang si Noel Peralta subalit hindi umano ito kumikilos kaya nilapitan ni Det. Dave Tuazon sa selda at nakumpirmang patay na ito.

Nabatid na nailibing na si Virginia sa Manila North cemetery noong Linggo habang ang bangkay ni Noel na nakalagak sa Universal Funeral Parlor ay ibibiyahe umano patungong Cagayan.

Humingi na rin umano ng tawad sa dala­wang anak si Noel habang nakapiit, na nagsisi sa kanyang nagawa.

Nabatid na bago makitang patay ang bik­tima, may hawak itong Holy Bible na kan­yang binabasa. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

DAVE TUAZON

HOLY BIBLE

HOMICIDE SECTION

LUDY BERMUDO

MANILA NORTH

MANILA POLICE DISTRICT-INTEGRATED JAIL

NABATID

NOEL PERALTA

UNIVERSAL FUNERAL PARLOR

VIRGINIA PERALTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with