^

Metro

5 pulis tamad dumalo sa hearing sinibak

-

Dahilan sa hindi pagdalo sa paglilitis ng korte na naging dahilan ng pagpapawalang say­say sa kaso ng mga na­arestong drug suspect, ipinag-utos na kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Geary Barias ang pagdidismis sa serbisyo laban sa limang pulis.

Kinilala ni Barias ang na­sabing mga pulis na sina PO3 Rene Saul, PO2 Victor Aquino, PO2 Reyno Riparip, PO1 Estelito Mortega Sr., pawang kasapi ng Quezon City Police District (QCPD). Ang isa pa ay si PO2 Reynaldo Labon ng Regional Headquarters Secu­rity Group (RHSG).

Sinabi ni Barias na ma­linaw na nagpabaya sa ka­nilang mga tungkulin ang nasabing mga pulis at hindi umano katanggap- tanggap ang alibi ng mga ito na mas­yado lamang silang abala sa trabaho sa mga kasong ka­nilang iniimbestigahan.

Ayon kay Barias, naka­pang­hihinayang na nawalang saysay ang pagsusumikap ng nasabing mga pulis laban sa anti-drug campaign sa pag-aresto at pagkakasamsam ng droga matapos na hindi naman ma­ipursige ang kaso laban sa mga ito dahilan sa ka­biguan ng na­sabing mga pulis na dumalo sa paglilitis ng korte.

Ayon kay Barias ang apat na nabanggit na arresting police­men ng QCPD ay na­bigong dumalo sa paglilitis ng Regional Trial Court (RTC) Branch 82 kung saan naka­sampa ang kaso laban sa mga suspect na sina Helen Roxas at Jessie Rosetes; pawang nahaharap sa Com­prehensive Dangerous Drug Law.

Samantalang sa isinaga­wang ‘summary dismissal pro­ceedings’ laban sa na­sabing mga arresting officers ay ta­nging sina Mortega at Saul ang dumalo at isinumite ang ka­nilang mga ebidensya. Sinabi ni Barias na napatu­nayang guilty sa kasong administratibo ang nasabing mga pulis kung saan naunang inirekomenda ang 90 araw na preventive suspension laban sa mga ito pero sa isina­ga­wang ebalwas­yon ng NCRPO sa kaso sa naturang mga pulis ay napatu­nayang nagkasala ang mga ito sa kapabayaan sa tungkulin. (Joy Cantos at Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

CHIEF DIRECTOR GEARY BARIAS

DANILO GARCIA

DRUG LAW

ESTELITO MORTEGA SR.

HELEN ROXAS

JESSIE ROSETES

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with