Nangholdap para may pang-birthday,timbog

Sa kulungan na magse-celebrate ng kanyang birth­day ang isang binata ma­tapos na masakote siya kasama ang kaibigan ma­kara­ang mang­holdap na gagamitin sana sa kanilang pagseselebra, kama­kalawa ng gabi.

Kasong robbery hold-up ang kinakaharap ngayon ng mga suspect na sina Reggy Lindo, ang birthday boy, pedicab driver, ng Ca­bildo St., Intramuros at ka­ibigan nitong si Epifanio delos Reyes, 20, ng Solana St., Intra­muros, Maynila matapos silang irek­lamo ng biktimang si Victor Aproda, 26.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:45 ng gabi ng holdapin umano ng mga suspect si Aproda sa Cabildo St., Intra­muros, Maynila habang nag­la­lakad ito papauwi. Tinutukan umano ng pa­talim ang biktima ng 2 suspect at pwersahang kinuha ang kaniyang cell­phone at cash na P200 lamang.

Papatakas na ang mga suspect nang matiyempuhan sila ng nagpapatrulyang pu­lisya na nagresulta sa ka­nilang pagkakadakip.

Aminado ang dalawa na kaya sila nangholdap ay upang may magamit na pang­gastos sa selebrasyon ng kaarawan ni Lindo. (Ludy Bermudo)

Show comments