^

Metro

P. 45-M ng Hapones naglaho sa safety box ng hotel

-

Nagharap ng reklamo sa himpilan ng pulisya ang isang Japanese national matapos na mawalang parang bula ang kanyang isang milyong yen at P50,000 cash na itinago sa isang safety box habang naka-check in sa isang hotel sa Pasay City kahapon.  

Umaabot sa kabuuang P.45 milyon ang umano’y nawawala sa biktimang si Akira Yamanaka, 73, matapos na ilagay nito sa loob ng safety deposit box ng Copacabana Hotel sa EDSA, Pasay kung saan siya pansamantalang nanunuluyan. 

Base sa reklamo ni Yama­naka sa Pasay City Police, nag-check in umano siya sa Copacabana hotel noong Agosto 17 at ipinagkatiwala umano ang dalawa nitong P200,000 cash at isang milyong yen sa safety deposit.  

Habang nasa bansa ay nagastos ni Yamanaka ang P150,000 cash at natira P50, 000 at isang milyong yen sa safety deposit box na huli niyang binuksan noon pang Setyembre 2. Sinabi ng turista sa pulisya na muli niyang binuksan ang deposit box kamakalawa lamang ng hapon at nagulat siya nang makitang limas na ang laman ng safety box.  

Nabatid pa sa dayuhan na tanging siya at ang pamunuan lamang ng hotel ang may hawak ng susi ng safety deposit box kung kaya impo­sibleng mabuksan ito ng ibang tao. (Ellen Fernando)

vuukle comment

AGOSTO

AKIRA YAMANAKA

COPACABANA

COPACABANA HOTEL

ELLEN FERNANDO

HABANG

NABATID

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with