^

Metro

Paggamit ng cellphone, no.1 dahilan ng mga aksidente sa lansangan

-

Isang dahilan walang disiplinang paggamit ng cellular phone habang nagmamaneho sa pagtaas ng mga aksidente sa lansa­ngan ng Quezon City, base sa pag-aaral na ginawa ng District Traffic Enforcement Unit.

Sa ulat ni Supt. Norberto Babagay, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) kay Quezon City Police District director, Sr. Supt. Magtanggol Gatdula, “human error” ang madalas na nakikita nilang dahilan sa naganap na 78 aksidente sa lungsod.

Bukod sa paggamit ng cellphone, kabilang rin dito ang pagkain, paki­­kipagkuwentuhan o pagmamaneho ng lasing. 

“Ang pagkahati ng atensiyon ng isang nagmamaneho tulad lamang ng pagti-text o paggamit ng cellphone ay ang madalas naming nakikita na sanhi ng mga aksidente sa mga lansangan,” ani Babagay.

Inamin naman ni Babagay na nahihirapan sila na ipatupad ang ordinansa ng lungsod na pagbabawal ng paggamit ng cell­phone habang nagmamaneho. Sa kabila nito, nagsasagawa naman sila ng malawakang impormasyon upang mabatid ng mga motorista ang panganib nito.

Nabatid naman na nangunguna sa mga lugar na tamalak ang aksidente sa Commonwealth Avenue, EDSA, Araneta Avenue at Tandang Sora Avenue. Matatandaan na inilunsad kamakailan ang Commonwealth Avenue bilang “discipline zone” ng Quezon City Hall at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan magpapatupad ng batas trapiko na kahalintulad sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Clark Base sa Pampanga.

Sinabi rin ni Babagay na nangunguna sa palusot ng mga driver ang masamang kundisyon ng kalsada, depekto ng kanilang sa­sakyan o masamang panahon ng dahilan ng kanilang pagkaka­aksidente ngunit tinitignan ito ng pulisya na pangalawang factors lamang ang mga ito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARANETA AVENUE

BABAGAY

CLARK BASE

COMMONWEALTH AVENUE

DANILO GARCIA

DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MAGTANGGOL GATDULA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NORBERTO BABAGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with