^

Metro

Adik kinatay ng tiyuhin

-

Isang 33-anyos na binata ang hinati ang katawan at isinilid sa dalawang sako ng kan­yang tiyuhin bunga umano ng ma­tinding galit ng suspek na laging sinasak­tan ng biktima na gumon sa bawal na gamot sa Binondo, Manila kahapon ng umaga.

Kinilala ni Manila Police District-Station 11 Chief P/Supt. Nelson Yabut ang bikti­mang si Jeffrey Yap, binata, walang tra­baho, residente ng #305-A Toremar Bldg., San Fernando corner Madrid Sts., Binondo.

Ang suspek na si Henry Chi, 68, binata, negos­yante, kasama sa bahay ng biktma, ay kasalukuyang nakaratay sa Metropolitan Hos­pital matapos magtamo ng saksak sa likuran at harapang bahagi ng katawan nito na bunga umano ng panlalaban sa biktima.

Sa ulat, dakong alas-8 ng umaga nang ma­dis­kubre ang bangkay na nakasilid sa dala­wang puting sako sa loob ng tahanan ng biktima at suspek.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Aldoner Larion, nagawang ibunyag ng suspek ang krimen sa pama­magitan ng pag-text sa kanyang pa­mang­kin at half sister ng bik­tima na si Sandra Ty, 26, dalaga. Sinabi niya sa text message na napatay niya ang biktima.

Mabilis namang umuwi ang dalaga at bumulaga sa kaniya ang dalawang sako na may lamang hinating katawan ni Yap.

Sina­sabi ng suspek na nagawa niya ang krimen dahil hindi na niya kayang tiisin pa ang pana­nakit sa kanya ng biktima tuwing bangag ito sa ilegal na droga.

Narekober sa loob ng nasabing taha­nan ang slicer/cutter at lagareng bakal na pinani­niwalaang gamit sa krimen. (Ludy Bermudo)

A TOREMAR BLDG

ALDONER LARION

BINONDO

CHIEF P

HENRY CHI

JEFFREY YAP

LUDY BERMUDO

MADRID STS

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with