Nakasabat na naman ng double dead na karne o hot meat ang mga elemento ng Market Security and Enforcement Unit (MSEU) ng Quezon City hall sa Balintawak kahapon ng umaga.
Ayon kay MSEU head Neil Lina, 500 kilo ng hot meat ang ka nilang nakumpiska sa Balintawak area habang ibenebenta sa mga paruokyano.
Anya, sa kada isang linggo, umaabot sa 100 kilo ng hot meat ang kanilang nakukumpiska sa Balintawak partikular sa Tambunting area.
Pina -eeksamin na ng MSEU ang naturang mga kumpiskadong karne sa QC health department upang malaman kung maaari pang magamit o susunugin na lamang ang mga ito.
Kaugnay nito, binalaan naman ni Lina ang mga tiwaling negosyante na patuloy na nagbebenta ng mga bulok na karne sa mga pamilihan na hindi sila tatantanan hangga’t hindi nila inihihinto ang ilegal na aktibidades. (Angie dela Cruz)