^

Metro

Money changer, security agencysinalakay ng riding-in-tandem

-

Muli na namang uma­take ang mga miyembro ng “riding-in tandem” gang matapos na holda­pin ang mensahero ng isang money changer at tangayin ang humigit-kumulang sa $40,000 na dadalhin sana ng huli sa kanyang amo, kamaka­lawa ng hapon sa Makati City.

Ayon sa ulat, isa sa da­lawang armadong suspect ay pansaman­talang itinago ang tunay na pagkakakilanlan ha­bang isinasagawa pa ang manhunt operation ng mga awtoridad sa lugar na pinagtataguan nito at ng kanyang kasamahan..

Natukoy kasi sa photo gallery ng pulisya ang isa sa mga suspect na tu­mutok ng baril kung saan sinasabing ito ay ka­bilang sa mga “most wanted criminals” sa lis­tahan ng National Capital Region Office (NCRPO).

Batay sa imbestigas­yon, dakong alas-4 ng hapon nang mangyari ang nasabing insidente sa Inquimboy St., Pasay City.

Ayon sa payahag ng biktimang si Ernesto Vital, 44, stay-in mes­senger ng Tivoli Enter­prises Money Changer, nakasakay siya sa kan­yang asul na blue wave motorcycle na may pla­kang NQ-1818 upang ihatid niya ang salapi sa kanyang amo na naka­tira sa Makati City.

Dito ay sinundan siya ng dalawang lalaki na magkaangkas sa isang kulay itim na big bike motocycle at pagsapit sa Inquimboy St., hinarang umano siya ng mga ito kung saan isa sa suspect ang tumutok sa kanya ng baril, samantalang ang isa ang kumuha ng salapi na nakatago sa kanyang knee cap.

Dahil sa takot, hindi na umano niya nakuhang manlaban sa mga sus­pect sa pangambang pa­tayin siya ng mga ito. Ang mga suspect ay agad namang tumakas sakay ng motorsiklo patungong Taft Avenue, Pasay City.

Malaki naman ang sus­petsa ng awtoridad na pinag-aralan ng mga suspect ang oras at araw ng paghahatid ng biktima ng salapi sa kanyang amo, kaya ito pinagpla­nu­han para matangay ang ma­laking halaga ng salapi.

Sa Maynila naman, tatlong armadong lalaki na magkaka-angkas din sa isang motorsiklo ang humoldap sa isang se­curity agency kung saan natangay ang P1 milyon cash na payroll money kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Allan Terneo, 46, acting operation manager ng Ex-Bataan Security Agency, naga­nap ang insidente da­kong alas-3:20 ng hapon, kamakalawa sa Yakal St., Tondo, Maynila.

Sinabi pa ni Terneo, abala umano sila sa opisina nang mabilisang pumasok ang dalawang armadong suspect at habang hawak ang baril ay nagdeklara ng holdap.

Tinangay umano ng mga suspect ang tinata­yang P1-milyong pampa­sweldo sa mga tauhan ng ahensiya at agad na tumakas sakay ng get-away na isang motorsiklo na isang Honda Wave 125 (MG-3830) sa direk­siyon ng Tayuman St. Hinihinala ng pulisya na inside job ang nangyari. (Rose Tamayo-Tesoro at Ludy Bermudo)

ALLAN TERNEO

AYON

ERNESTO VITAL

EX-BATAAN SECURITY AGENCY

HONDA WAVE

INQUIMBOY ST.

MAKATI CITY

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with