Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Avelino Razon ang pagbuo ng Task Force Castillejos upang resolbahin sa lalong madaling panahon ang kaso.
Ang direktiba ay ipinalabas ni Razon upang higit pang maging malawak ang imbestigasyon sa kasong ito. Ang Task Force Castillejos ay pamumunuan ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director Chief Supt. Raul Castañeda.
Isa sa tinututukan nila ngayon ang anggulong pulitika na maaring motibo sa krimen dahil may kinakaharap umanong kaso ang gobernador sa kanilang lalawigan na isinampa ng kanyang mga kalaban sa pulitika.
Gayunman nilinaw ni Barias na sa ngayon wala pa silang tinutukoy na suspek sa naganap na pananambang.
Samantalang nagtalaga na rin ang PNP ng security personnel para seguridad ni Castillejos habang ito ay nasa pagamutan.